December 26, 2024

Liquid marijuana na inilagay sa vape juice, nasabat ng BOC-NAIA

NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Custom-NAIA ang 62 piraso ng vape juice liquid na naglalaman ng marijuana liquid na idenilarang food flavoring sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City na ipinadala ng isang Roger Bowman na nagmula pa saArmsterdam at naka-consignee sa isang Dee Sy ng San Juan City.Isinagawa ang field test sa pamamagitan ng Customs Anti-illegal Drugs Task Force(CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) na ang nilalaman ng vape juice ang sangkap ng Titrahydrocannbinol (THC) at Cannabidiol (CBD) ng marijuana. (DANNY ECITO)

NASABAT ng Bureau of  Customs-Ninoy Aquino International Airport ang 62 vape juice catridges na may lamang  liquid marijuana mula sa unclaimed parcel sa Central Mail Exchange Center nito lamang isang linggo.

Ayon sa Customs idineklara umano ang mga nasamsam na vape juice catrideges na naglalaman ng liquid marijuana na pawang mga “food flavorings” na ipinadala ng isang Roger Bowman mula Amsterdam, Netherlands kung saan ay naka-consigned naman ito sa isang Dee Sy na taga-San Juan City.

Sa isinagawang pagsusuri ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinumpirma nil ana ang mga nasamsam na vape juice ay nagtataglay ng Tetrahydrocannabinol (THC) at Cannabidiol (CBD) na parehong sangkap na matatagpuan sa marijuana.

Itinurn over na ang mga nasamsam na item sa PDEA para sa karagdagang pagsisiyasat.

Mahaharap sa kaso ang mga indibidwal na sangkot sa illegal importation dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act No. 9165) in relation to the Customs Modernization and Tariff Act (RA No. 10863).