NASA 522 pamilyang nasunugan sa Sta. Cruz, Maynila ang nabigyan ng family food packs na ipinamahagi ni Senador Lito Lapid nitong Lunes, Dec. 9.
Sa kanyang mensahe, nagpaabot si Sen. Lapid ng pakikisimpatiya sa mga kababayan nating naabo ang mga bahay at nawalan ng kabuhayan.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa natanggap nilang relief goods na umano’y malaking tulong na sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Bukod sa family food packs, nagpakain din ng mainit at masustansyang lugaw(may manok at itlog) ang Team Lingkod Lapid katuwang ang DZRH-Operation Tulong sa mga kabataan at mga matatanda sa evacuation center.
Pansamantalang naninirahan sa loob ng Brgy 310 covered court ang mga biktima ng sunog na katabi lang ng Manila City Jail.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag