Bilang paghahanda sa next UAAP season, nais ni Ateneo Lady Eagles coach Oliver Almadro na ikasa ang productive training.
Aniya, ikinakasang Ateneo ang mixing online team at individual training. Ito’y bunsod ng restrictions dulot ng COVID-19 pandemic.
Bukod ditto, hangad din ng coach na maka-focus sa mental health ang mga players. Gayundin sa aspektong pisikal.
“It is also important for us to focus on their mental health right now. We look for ways to talk about it and have relevant sessions regarding these,” aniya.
Bukod dito, pinalakas din ang line-up sa pamamagitan ng pagre-recruit ng matatangkad na volleybelles.
Katunayan, ikakamada ang mga matatangkad na rookies. Sa gayun ay makatulong ang mga ito sa pagdepensa ng kanilang titulo noong season 81.
Kabilang na rito sina Alexis Miner (5-foot-11), Sofia Ildefonso (5’11”), Lyann De Guzman (5’10”), Katrina Blanco (5’10”). Gayundin sina Jana Cane (5’9”), Jennifer Delos Santos (5’9”) and Takako Fujimoto (5’4”).
Nahirang si Miner bilang Season 81’s Second Bed Middle Blocker at Season 82 First Best Middle Blocker.
Si De Guzman naman ayopposite hitter at member of the Philippine U-23 squad; nagwagi silver medal sa 11th ASEAN School Games.
Si Sofia naman ay anak ni PBA icon Danny Ildefonso at kapatid nina Dave at Shaun na naglalaro sa UAAP. Si Dave ay sa Ateneo habang si Shaun ay sa NU Bulldogs.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!