December 29, 2024

Limitadong face-to-face classes sa Enero

Babawasan ng Department of Education (DepEd) ang bilang ng mga estudyanteng papayagang pumasok sa mga paaralan at magpapatupad din ito ng staggered schedules.

Ito ay para na rin masiguro na mapapanatili ng mga eskwelahan ang umiiral na minimum health standards habang isinasagawa ang dry run ng face-to-face classes sa susunod na buwan.

Ayon kay Education Secretary Nepomuceno Malaluan, mayroong ipapatupad na limitasyon ang ahensya alinsunod na rin sa bilang ng mga estudyante sa isang klase upang mapanatili ang physical distancing sa bawat silid-aralan.

Kahapon nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng kagawaran na magsagawa ng face-to-face classes dry run o in-person classes sa mga lugar na itinuturing na low-riks ng COVID-19 transmission sa buong buwan ng Enero 2021.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magiging voultary ang naturang dry run at kakailanganin din ng pahintulot mula sa mga magulang ng mga mag-aaral.

Dagdag pa ni Malaluan na hindi ito magiging full scheduled classes. Ibig sabihin, ito ay magiging complement lamang ng patuloy na distance learning ngunit magkakaroon lang ng certain schedules na maaaring makapunta ang mga bata sa paaralan.

Maaaring makiisa sa dry run claases ang mga senior high school studentes na nasa ilalim ng technical-vocational-livelihood tract at gayundin ang mga mag-aaral na nahihirapang matuto mag-isa.

Ayon pa rito, makikipagtulungan ang DepEd sa Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), COVID-19 Task Force, local government units (LGUs), at mga magulang para tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyanteng sasali sa dry run.