November 3, 2024

LIGTAS COVID CENTER PARA SA BI DETAINEES SA NEW BILIBID PRISON, BINUKSAN

NAGBUKAS ngayon ng Ligtas COVID Center ang Bureau of Immigration sa loob ng New Bilibid Prison Compound sa Muntinlupa City para sa mga alien o dayuhang bilanggo.

Ayon kay BI Warden Facility (BIWF) Chief Remiecar Caguiron, ang bagong pasilidad ay magsisilbing quarantine ward para mga bilanggo o persons deprived liberty (PDLs) na nagtataglay ng mild hanggang moderate na sintomas ng COVID-19.

Sabi ni Caguiron, katuwang ng BI sa naturang proyekto ang International Committee of the Red Cross, Department of Justice at Bureau of Corrections upang maiwasan ang paglaganap ng virus.

Sabi rin ni Caguiron na kapwa nalalantad sa panganib ng COVID-19 ang mga preso at kawani kaya mahalagang nakabukod ang mga COVID-19 positive na bilanggo.

Malaki rin aniya ang maitutulong ng isolation ward upang matiyak na ligtas at malusog ang lahat ng nasa Bureau of Immigration warden facility.

Sa pinakahuling ulat, mayroon aniyang 315 na aliens na nakaditine sa BIWF dahil sa iba’t ibang pagkakasala at lumalaki rin aniya ang nadagdag dito kasunod ng ginagawang pagtugis ng BI sa mga malalaking kumpanya na nag-employ ng mga illegal alien sa pagsisimula ng taon.

Nalaman din sa BI Chief Warden na noong buwan ng Abril ay marami na silang napatalsik na dayuhan habang nakapagpiyansa naman ang mapanganib na PDLs.

Iginiit ni Caguiron na health risk ang overcrowding sa kanilang pasilidad at nais nilang matiyak na malunasan ang mga risk group na ito sa pamamagitan ng isolation facility.

Ang BI Ligtas COVID center ay may kapasidad na 30 at kayang i-accommodate ang 60 na katao.