NASILAYAN sa Dao, bayan ng Balud, Masbate, ang atmospheric optical phenomenon na tinatawag na “light pillars”
Ayon sa nakakuha ng retrato na si Jeromie Cagayan, siya ay pawang lumabas lamang ng kaniyang bahay para maghanap ng signal sa kaniyang cellphone nang mapansin niya ang kamangha-manghang pangyayari.
“Nang makarating ako sa parte ng aming barangay na mayroong signal reception, bigla kong natanaw ang kakaibang liwanag na ‘yan,” ani Cagayan.
“Dali-dali akong tumakbo ng bahay para kunin ang aking camera at nakakuha ako ng ilang shots hanggang sa tuluyan itong naglaho.”
Dagdag pa ni Cagayan, gumamit siya ng Canon EOS Kiss X4 para makuhanan ang pangyayari.
Mabilis namang nakuha ng larawan ang atensiyon ng mga netizens kung saan ikinumpara nila ito sa “Aurora borealis” o mas kilala bilang “Northern lights” na karaniwang nakikita sa high-latitude regions.
Ayon sa AccuWeather, ang light pillars ay “optical phenomenon caused when light is refracted by ice crystals.”
Hindi na bago ang pangyayaring ito sa Pilipinas dahil noong Hunyo ng nakaraang taon, namataan din ang light pillars sa Sulu -ROMMEL C. JAVIER
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?