November 24, 2024

Liga Baseball Phils. Tingzon Cup… BACHMANN AT LOYZAGA PANAUHIN SA INAUGURAL OPENING

LAHAT ng direksiyon ay patungong Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila sa Mayo 26, 2022.

Nakatakdang humataw ang kauna-unahang commercial baseball league na LBP ‘ Tingzon Cup na lalahukan ng walong bigating koponan na maghahandog sa bayang beysbolista ng primera klaseng kumpetisyon sa diamond na tiyak na hahatak ng followers sa sport na baseball na naunang minahal ng fans noon bago pa ang basketball ayon kay LBP Chairman Amando Zamora.

 “All roads lead to  Rizal baseball diamond on May 26 to witness the grand opening of our very ambitious first commercial league that will surely entice baseball fans to watch top caliber competitions at  the diamond,” wika ni Zamora.

Sinabi  naman ni LBP President  Jose Antonio Muñoz na ang pambungad na seremonya ng kanilang pet project na Liga Baseball Philippines ay dadagdag-

ningning ang pagdalo nina Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann at Philippine Amateur Baseball Association President Joaquin ‘Chito’ Loyzaga.

” We invited the PSC Chairman and PABA President and we’re optimistic for their positive response”, sambit ni Munoz na secretary general din ng PABA.

Inilahad naman ni LBP Executive Director Rodolfo Tingzon, Jr. ang walong koponang magtutunggali na mga sumusunod: NU Bulldogs, UST Growling Tigers, Samurai U-18, PK Holdings Thunderz, KBA Stars, IPPC Hawks , Ateneo Blue Eagles at Manila.

” All participating teams are title contenders for the Tingzon Cup 2024″ , pahayag ni Tingzon.

Ang  ‘Tingzon Cup’ ay parangal at pagkilala sa maalamat na baseball leader noong kanyang panahon na si Rodolfo Tingzon, Sr.

Ang prestihiyosong torneo ay naitatag sa pagsisikap ng mga  respektableng businessmen/ sportsmen Chairman Zamora, President Munoz, E.D. Tingzon katuwang sina Directors Loyzaga,Rene Andrei Saguisag,Jude Torcuato , Felipe Remollo, Jose Emmanuel Eala, Josedinno Mariano, Raymond Tolentino, Michael Zialcita at Anthony Suntay, Executive Administrator si Mariano Arroyo at Corporate Secretary Julie Ann Yabes. (DANNY SIMON)