ALAM n’yo ba na si Philippine Sports Commission(PSC) Chairman William ‘Butch ‘ Ramirez ay isang batikang basketbolista noong kanyang prime at isa sana sa naging alamat din sa pro- league kung pinahintulutan ng tadhana?
Dahil sa angking likas na tikas at bentaheng tangkad noong kanyang kabataan.walang ibang direksyon si Ramirez kundi patungong hardcourt at maglaro sa larangang ‘ height is might’.
Sa kanyang tindig na 6- footer sa panahong iyon ay isa na siya sa tinitingalang puwersa sa paint area at kabilang na sa mga tinagurian nang ‘chairman of the (basketball)board na six- feet and above tulad nina Manny Paner, Robert Jaworski, BigBoy Reynoso, Yoyoy Villamin, Tembong Melencio pataas kina Dave Regullano, Orly Bauzon, Jimmy Mariano, Abe King, Abet Guidaben at ang kasama niya sa PSC Board ngayong si Commissioner Ramon Fernandez.
Iyon ay bago dumating ang mga toreng sina Benjie Paras, Marlou Aquino, Bonel Balingit, Cris Bolado, EJ Feihl, Yancee de OcampoJapeth Aguilar , Greg Slaughter, June Mar Fajardo at ang paparating na si Kai Sotto.
Naging bousehold name si Ramirez sa basketball community sa Davao City at karatig nang maging varsity player siya ng Saint Michael College( Padada, Davao Sur) at French- Canadian College.
Bagama’t may future at malayo ang mararating sa larangan ng basketball ay mas pinili niya ang mag- pokus at makatapos ng pag-aaral at naging guro( major in History at minor in English Literature) hanggang sa Masteral Degree in Public Administration.
Dahil nasa puso pa rin niya ang basketball ,kahit guro na ay naging manlalaro pa rin siya ng Ateneo de Davao University Faculty team at naging head coach ng men’s team ng ADDU na lumalahok sa mga collegiate tournaments sa Mindanao kasabay ng kanyang pagiging athletic director ng naturang tanyag na institusyon sa Davao.
Tuluyan nang inokupahan ng akademya ang panahon ni Ramirez patungong serbisyong -bayan pero sa larangan pa rin ng palakasan na bahagi na ng kanyang buhay.
Naging sports consultant siya ng noo’y alkalde pa ng Davao City na si Pangulong Rodrigo Duterte bago siya hirangin sa serbisyong nasyunal.
Ninombrahan muna bilang Commissioner ng PSC si Ramirez bago tuluyang ma-appoint ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2005 bilang PSC chairman tiyempo sa taong hosting ng Pilipinas ng 23rd Southeast Asian Games tampok ang overall champion ng bansa sa naturang biennial sports spectacle sa rehiyon ng Asya.
Nang mapalitan si Ramirez sa PSC noong 2009 ay bumalik na siya sa Davao City kapiling muli ang pamilya sa kanya sanang pagreretiro sa serbisyo.
Iyon ay pansamantala lang dahil ninombrahan siya ni (Mayor) Duterte na maging chairman ng Davao City Sports Commission.
Tunay na ang kapalaran ay biglang nagbabago ng walang paalam.
Dahil sa clamor ng kababayan, kaibigan at kapamilya ay nahimok nilang tumakbo bilang Pangulo ng bansa si Mayor Duterte at nang magdesisyon ito ay naging isa sa frontliner ng Duterte for President nationwide campaign si Ramirez.
Nagtagumpay ang bayan ,nahalal bilang Presidente si Mayor Duterte.
Nabigyan ng puwesto ang mga naghirap at nagsakripisyo noong kampanya maging iyong mga oportunistang dumikit lang kay Digong noong numero uno na siya sa survey.
Bilang beteranong academician ay swak sana si Ramirez na maging Kalihim ng Edukasyon pero mas minarapat ni PRRD na pamunuan muli ni Ramirez ang PSC at iangat sa pedestal ang larangan ng sports ng Pilipinas sa kanyang timon.
Muling nag-overall champion ang Pilipinas noong 30th SEAGames Philippines 2019 at napipinto pa ang kaganapan ng pangarap na buwenamanong Olympic gold medal ng bansa sa darating na Tokyo Olympics 2021 na magiging legasiya niya at ni Pangulong Duterte para sa Sambayanang Pilipino.
“Ako’y nagpapasalamat sa ating mahal na Pangulo sa tiwalang kaloob niya sa inyong abang lingkod. Buong buhay ko ay halos uminog sa larangan ng sports na itinuring ko nang gintong kabanata at kung maulit man ang tadhana, I will remain a teacher,basketball player, coach and public servant”, wika ni Ramirez sa panayam .
Bilang basketball player noon ay humanga rin siya sa ibang manlalaro tulad ni Wes Unseid na kahit undersized(6’1″) center ng Washington sa NBA ay lutang ang kanyang galing bilang 50 greatest NBA player of all time.
Di rin niya makalimutan nang personal niyang makausap bilang isang visiting coach mula Pilipinas ang kanyang idolong coach ng UCLA na si John Wonder .
Sa pagiging dugong basketbolista, ang nakababatang kapatid niya na si Jay Ramirez ang nakarating sa bigtime basketball sa PBA bilang defense specialist ni coach Dante Silvero ng Shell Rimula X noon katropa sina Benjie Paras at Ronnie Magsanoc at naging miyembro ng national team kasabayan si Joey Loyzaga atbp. Ang younger Ramirez na si Jay ay nakabase sa Canada.
Sports, da best kay Ramirez!Tunay na there’s life after basketball..ABANGAN!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!