ARESTADO ang isang itinuturing na pinuno ng sindikato ng bawal na droga sa ikinasang buy-bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Taytay Municipal Police Station at Rizal Provincial Police Office Provincial Intelligence Unit sa Sitio Lupang Arenda, Barangay Sta. Ana, Taytay.
Kinilala ang suspek na si Eric Dela Cruz, 32, high value target at pinuno ng local drug group na nakumpiskahan ng ₱10.2-M na halaga ng illegal drugs.
Ayon kay Taytay Police Chief PMajor Rodel Ban-o, naaresto si Dela Cruz dahil sa isinagawa nilang Community Mobilization Program at Barangay Drug Clearing Program na ipinatupad sa buong Barangay simula noong Hulyo 1.
Bukod sa kalahating kilo ng hinihinalaang shabu, narekober din sa suspect ang 3 pouches ng pinatuyong dahon ng marijuana , KG-99, .45 caliber pistol, 9mm pistol, isang magazine para sa KG-99, dalawang magazines para sa caliber 45, dalawang magazines para sa 9mm, limang bala para sa KG-99, limang bala ng caliber 45 pistol, 10 bala ng 9mm pistol, isang improvised carbine rifle na puno na bala, dalawang pirasong hand grenade, weighing scale, isang white plastic pouch na naglalaman ng drug paraphernalias, isang tooter, at P67,110 na drug money.
Kaugnay nito, nagbabala si Taytay Rizal Mayor Joric Gacula sa mga tulak ng bawal na droga sa kanyang nasasakupan na lisanin ang kanyang bayan dahil hindi titigil ang pulisya sa pagsasagawa ng Anti-Drug Operations kahit na mayroong COVID-19 pandemic.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA