Kabilang ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa tatlong napatay sa nangyaring engkwentro sa Leon, Iloilo.
Ayon kay 3rd Infantry Division Public Affairs Office Chief, Lt. Col. J-Jay Javines, kasama sa napatay si Azucena Churesca Rivera, kilala sa samahan bilang Rebecca Alifaro o alyas Jing, noong Setyembre 29 at positibong kinilala ng kanyang pamilya.
Siya ay secretary ng Southern Front-Komiteng Rehiyon-Panay ng NPA.
Ayon sa kanyang nakatatandang anak, sumali ang kanyang ina sa armadong samahan noong 1980s.
Mayroon ding siyang mga kinakaharap na kaso sa paglabag sa International Humanitarian Law, Anti-Terrorism Act of 2020 at attempted murder.
Napatay siya kasama ang kanyang mga kasahan na sina Jimmy Macuna at Gerly Tejeros nang makasagupa nito ang tropa ng gobyerno sa liblib na barangay sa bayan ng Leon.
Parehong kinilala ng kanilang mga kaanak sina Macuna na isang platoon member at Tejeros na isang medical/education staff ng Komite.
“Their families have already presented documents. They will be released once the investigation and the processing of documents are completed,” wika ni Javines.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI