November 23, 2024

Lider ng kilabot na Nicdao Criminal Group nahuli sa Rizal

Nadakip ng mga otoridad sa lalawigan ng Rizal ang lider ng isang criminal group sa  operasyon ng pulisya sa Brgy. Cupang, Antipolo City gabi ng Abril 21, 2024.

Ang pagkakadakip kay alyas Darwin ay resulta nang  pinagsanib na puwersa ng Operasyon Kontra Most Wanted Persons ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit,  Antipolo CCPS at RIT RIZAL-RID 4A.

Isinilbi ng mga naturang operatiba kay Alyas Darwin, 30-anyos, constructed worker at residente ng Antipolo City ang warrant of arrest dahil sa mga kinakaharap na kasong murder at homicide.

Ayon sa pulisya, maaaring magpiyansa ng ₱120,000 si Alyas Darwin sa kasong homicide ngunit non-bailable naman ang kasong murder laban sa akusado.

Sa rekord ng korte, si Darwin ay akusado sa pagpaslang kay alyas Kalbo noong Pebrero 10, 2022 sa Brgy. Cupang, Antipolo at kay alyas Alvin noong Oktubre 27, 2021 sa Brgy. Mayamot, Antipolo City, baril ang ginamit ng suspek sa pagpaslang sa mga biktima.

Si Darwin ay sinasabing lider ng Nicdao Criminal Group na sinasabing pangunahing nagpapalaganap ng illegal na droga sa Lungsod ng Antipolo at mga karatig na bayan at nasa Ranked 5 ng most wanted person ng Police Regional Office 4.