November 5, 2024

LIDER NG CPP-NPA NA MAY PATONG NA P4.5M, TIKLO SA ORIENTAL MINDORO

GENERAL NAKAR, QUEZON – Nalaglag na sa kamay ng mga otoridad ang isang lider ng Communist Party of the Philippine-New Peoples Army o (CPP-NPA) na may moneytary reward naP4,500.000 at itinuturing na isa sa listahan ng National Most Wanted Person sa DND-DILG Joint Order Reward sa Brgy. Lisap, Bongabong ng Oriental Mindoro dakong 7:00 ng umaga noong araw ng Biyernes.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Ernesto Panganiban, 50, na nagtatago sa mga alyas na “Gavino Panganiban”, “Joker”, “Istoy”, “Nori”, at “Rato”, na tubong Brgy. Milagrosa sa bayan ng Bulalacao at miyembro rin ng Alternate Executive Committee ng Southern Tagalog- Region Philippine Communist (EXECOM,STPRC-PSR),Head Regional Trade Union Bureau (RTUB) at ng Regional United Front Bureau (RFUB) ng Communist Party of The Philippines-New Peoples Army.

Base sa ulat na ipinadala ni Quezon Provincial Police Director PCol. Joel Villanueva kay Calabarzon Regional Director PBGen Eliseo DC. Cruz, nadakip si Panganiban ng mga pinagsanib na puwersa ng Special Project Team ng Provincial Intelligence Branch (PIT) ng Oriental Mindoro, Regional Intelligence Unit (RIU4B), PNP-IG, RID-PRO MIMAROPA,PIU OrMin PPO, RMFB 4B, 203rd Brigade, Philippine Army, NICA 4, 3012nd, AISS ng Philippine Air Force, PIU Quezon, Infanta MPS at ng General Nakar Municipal police station na mga nagsibi ng Arrest warrant sa suspek para sa kasong Murder na inisyu ni Honorable Agripino R. Bravo, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 65 sa Infanta, Quezon.

Itinuturo din si Panganiban na utak sa pag-atake sa mga militar sa Sitio Hinango ng Brgy. Purnaga sa bayan ng Magsaysay na kung saan ay mayroong mga nasawing sundalo ng gobyerno. Pansamantalang nakakulong na ngayon ang suspek sa General Nakar Custudial Facility habang inihahanda sa korte ang kanyang mga kasong kakaharapin.  (KOI HIPOLITO)