
Libu-libong mga tagasuportang Las Piñeros ang nagtipon sa The Tent Complex upang ipakita ang kanilang pakakaisa para sa Team Tropang Villar, sa pangunguna ni Senadora Cynthia Villar na muling naghahangad na maging kinatawan ng lone district ng Las Piñas sa Kongreso.
Kasama niya si Carlo Aguilar na tiumakabo bilang Alkalde ng lungsod, katuwang ang kanilang solidong grupo ng 12 kandidato sa pagkakonsehal.
Ang miting de avnce ay dinaluhan din ni Senatorial candidate Congresswoman Camille Villar, Senador Mark Villar, at dating Senate President Manny Villar, na buong pusong nagpahayag ng suporta at pagtitiwala sa buong slate ng Nacionalista Party ng Las Piñas. (DANNY BACOLOD)
More Stories
“MAY PROBLEMA KA BA SA MAY AUTISM?” — DENNIS TRILLO, NAG-INIT ANG ULO SA BASHER NG ANAK NI JENNYLYN
Property exposure ng mga bangko sa Pilipinas, bumagsak sa pinakamababang antas sa loob ng 6 taon — BSP
Collegiate Coaches ng UAAP at NCAA, paparangalan sa SMC-Collegiate Press Corps Awards