December 25, 2024

LIBU-LIBONG BOTANTE SA TONDO, MAYNILA NABIGYAN NG TÍG-SAMPUNG KILONG BIGAS

Labis na nasiyahan ang libu-libong residente ng Lungsod ng Maynila nang tumanggap ng tig-sampung kilong bigas sa idinaos na  Kalinga sa Maynila program na pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna Pangan kaninang umaga sa kahabaan ng Dagupan St. Tondo.

Kabilang sa mga nakatanggap ng bigas ay ang mga rehistradong botante mula sa Barangay 53, 54, at 55 Zone 4 sa District 1, Tondo.

Naging organisado at maayos ang pamamahagi sa pamamagitan ng pagbibigay ng ticket na naglalaman ng pangalan ng botante, address ng bahay at nakasasakop na barangay.

Bago sinimulan ang programa alas-7 pa lamang ay pumila na ang mga botante upang iparehistro ang ticket na binigay ng Manila LGU sa pamamagitan ng mga nakakasakop na barangay.

Pagkatapos na mairehistro ang ticket ay pinalitan ng sticker upang i-claim ang bawat sampung kilong bigas.

Matapos ang registration ay saka na sinimulan ang programa o Ugnayan sa mga barangay na nagsilbing host si Mayor Lacuna

Hinikayat ng Alkalde ang mga residente sa tatlong barangay na samantalahin ang mga ibinabang serbisyo ng Manila LGU gaya ng mga sumusunod:

Medical consultation/basic medicines | deworming/rabies vaccination | civil registry | tricycle/parking registration | PWD/solo parent/senior citizen ID | clearing/flushing operations | water/electricity/building permit inquiries | notary services | police clearance | job vacancies | at iba pa!

Matapos ang programa ay saka maayos na pinapila ang mga botante upang makuha ang tig-sampung kilo ng bigas.

Naging matagumpay ang edisyon ng Kalinga ss Maynila sa tatlong barangay ng District 1, Tondo, Maynila.

Kabilang sa mga departamentong nagpartisipa sa Kalinga sa Maynila ay ang mga sumusunod:

MTPB – Manila Traffic and Parking Bureau
Department of Public Services-Manila
Department of Engineering and Public Works, Manila
Manila Police District
Manila Barangay Bureau
Manila Civil Registry Office
City Legal Office, Manila
Manila Health Department
Manila Department of Social Welfare
Public Employment Service Office – City of Manila
Manila OSCA
Manila Veterinary Inspection Board
at City Treasurer’s Office Manila.