Ipinagutos ni Transportation Secretary Art Tugade na mula Agosto 3 hanggang Agosto 20 ay libre ang sakay sa MRT-3, LRT-2 at PNR para sa mga bakunadong pasahero.
Ani Tugade, kahit naka-isang dose pa lamang ang mga bumibyaheng Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay makakalibre na ang mga ito ng pamasahe.
Siguraduhin lang umano na dala ng mga APOR ang kanilang vaccination cards bilang tanda ng pagiging bakunado.
Dagdag pa ng kalihim, ang mga byahero sa mga pantalan at paliparan ay bibigyan ng mga libreng miryenda kung sila ay bakunado rin.
Iwe-waive din ang terminal fee na sinisingil sa mga bus sa PITX.
“Ang inisyatibong ito ay napagkasunduan ng buong Kagawaran ng Transportasyon upang makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan, at upang matulungan ang gobyerno na mahikayat ang ating mga kababayan na magpabakuna,” ani Tugade.
More Stories
EROPLANO AT MILITARY CHOPPER NAGSALPUKAN SA ERE SA WASHINGTON (Pinoy na pulis kabilang sa mga nasawi)
AKBAYAN: PANAHON NA PARA I-IMPEACH SI VP SARA (Anong petsa na?)
PAGPAPALAYAS SA MGA ILLEGAL POGO WORKERS SA BANSA MINAMADALI NA NG BI