
MANILA — Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes na libre ang sakay sa MRT-3, LRT-1 at LRT-2 mula Abril 30 hanggang Mayo 3 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day at pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino.
Sa isang video message, sinabi ni Marcos na ang “Libreng Sakay” ay isang simpleng paraan upang parangalan ang sakripisyo at dedikasyon ng sektor ng paggawa sa pag-unlad ng bansa.
“Nais kong sabihin sa lahat ng ating mga commuter ay inutos ko na para magbigay ng ating kaunting parangal sa ating mga manggagawa… maging libre ang sakay sa MRT-3, LRT-1 and 2,” pahayag ng Pangulo.
Dagdag pa ni Marcos, hindi lamang sa ekonomiya malaki ang ambag ng mga manggagawa, kundi pati na rin sa kabuuang pag-unlad ng lipunan.
“Ito ay bilang kaunting pagkilala sa sakripisyo at kontribusyon ng ating mga manggagawa. Happy Labor Day!”
Ang hakbang ay inaasahang makatutulong sa libu-libong manggagawang sumasakay araw-araw, lalo na sa panahon ng mataas na gastusin.
More Stories
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela