November 17, 2024

Libreng sakay program sa QC, aprub kay Belmonte

Inaasahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na marami pang QCitizens ang makikinabang sa Q City Bus Program.

Ito’y matapos lagdaan ni Belmonte ang Ordinance No. SP-3184, S-2023, na inihain nina Councilors Alfred Vargas at Ram Medalla na nagtatag ng “libreng sakay” sa lungsod.

“Ngayong pinagtibay na ang ating Q City Bus Program sa pamamagitan ng isang Ordinansa, umaasa ako na marami pang QCitizens ang makikinabang sa programang ito,” saad ni Belmonte.

Itinatag ni Belmonte ang pioneering at inspiring intiative noong 2020 upang magbigay ng libreng transportasyon sa QCitizens sa gitna ng pagkalat ng COVID-19 kung saan limitado ang pampublikong transportasyon sa Metro Manila.

Mula noon, nakapagsakay na ito ng mahigit 14.6 milyon pasahero sa walong ruta.

“Malaki rin ang naitulong ng programang ito para mabawasan ang gastos ng ating Qcitizens sa kanilang araw-araw na pamasahe, lalo pa’t nagtaas rin ang presyo ng bilihin,” ayon sa alkalde.

Sa ilalim ng ordinansa, pamamahalaan ng Quezon City Traffic and Transportation Management Department ang implementasyon ng Q City Bus program at lalaanan naman ito ng taunang budget ng City Council.

The implementation, supervision, operation, and further development of the Q City Bus Program shall be guided by the principles of environmental sustainability, ecological balance, sustainable technological innovation, good governance, and accountability, and the best interest of the constituents of Quezon City,” dagdag pa nito.