December 25, 2024

Libreng RT-PCR mass testing sa Pasay, tuloy

  
Inanunsyo ng Pasay City Health Office na nagpapatuloy ang kanilang isasagawang (RT-PCR) sa mga nais magpa-swab test lalo na sa may mga kasama sa bahay o may mga katrabaho na nagpositibo sa COVID-19.

Magsisimula alas-8:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang swab test sa mga kasama sa natukoy sa first 2nd and 3rd contact tracing sa Andres Bonifacio Elementary School mula sa mga Baranggay 1, 75, barangay 80 at Brgy 143.

Habang ang mula naman sa mga Barangay 76, 79, 144, at 201 ay gagawin ang swab test sa Malibay Plaza.

Ayon sa City Health Office sinimulan ang ibreng swab test noong February 25, hanggang March 5, 2021 mula Lunes hanggang Sabado.

Pinaalalahanan ang mamamayan nito na magdala ng ID para sa pagtukoy ng kumpleto at tamang pangalan.

Kailangan din ng Philhealth number. Kung walang Philhealth, mayroong form na kailangan lamang nilang sasagutan.

Sa ngayon ay nasa 7,383 kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, 504 ang active cases at 60 dito ang bagong nahawaan ng naturang virus, habang umabot na rin sa 78 ang naka-recover sa COVID-19 sa Pasay City.