December 24, 2024

LIBRENG PRUTAS AT GULAY INIHAIN NG SAN MIGUEL FOUNDATION PARA SA MGA RESIDENTE NG TONDO, MANILA

NAKATANGGAP ang komunidad sa Tondo ng mahigit sa 250 kilo ng prutas at gulay mula sa partner ng San Miguel Foundation na Better World Diliman.

Kabilang sa kanilang ipinamahagi ay mga melon, abokado, mangga, yakon at bintong kamote.

Malaking bahagi ng health program ng San Miguel Foundation na makawasan ang malnutrisyon sa bansa.

Umaasa rin ang nasabing foundation, na sa paglaon, ang lahat ng Filipino ay hindi na kailangan pang mag-alala kung papaano nila maa-afford na makakain ng tatlong beses sa isang araw.