November 5, 2024

Mga guro’t batang mag-aaral sa Maynila, suwerte sa ipamimigay na gadgets na magagamit sa blended distant learning

Kumusta ang buhay natin mga Cabalen? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Noong nakaraan labas ng ating pitak, tinalakay natin ang mga sinirang gadgets sa National Bilibid Prison (NBP). Kung saan, may ilang nanghinayang doon na mga netizens.

Sayang na kung sayang. Pero, sa ganang akin, hindi dapat ipamigay sa mga mag-aaral ang mga gadgets na ginamit na sa kalokohan.

Ano kung gayun ang tama? Ang isang halimbawa? Heto at natutuwa tayo sa Pamahalalang Lungsod ng Maynila.

Kasi, mamimigay sila ng gadgets gaya ng laptop at tablets sa mga guro at mga Batang Maynila. Yung mga nag-aaral.

Kitam, pwede namang magbigay ng bago. Hindi yung ginamit sa hindi tama.

Mga nasa 10,000 titsers sa Maynila ang bibigyan ng laptop computer at picket wifi na may 10GB kada buwan.

Naikasa ang pamimigay ng gadgets sa MOA sa pagitan ng Cherry Mobile chief Maynard Ngu at ni Mayor Isko Moreno.

Sinabi ni Yormi Isko na ipamimigay ang CM Magnum 8 at Magnum 10 tablets na hindi pa ibinebenta sa merkado. Ibabahagi ito next week.

Ang maganda rito mga Cabalen, HD ang display nito at may LTE connection na may 4GB RAM at 64GB internal memory. Sa gayun ay malinaw at mabilis ang connection.

Mamimigay din sina Yormi Isko ng laptop, pero hindi basta-basta. SInabi pa niya na may safeguards ang mga gadgets upang hindi maabuso ang paggamit dito. Kaya, safe ang mga batang mag-aaral.

Kaya, hindi na mangangamba ang mga magulang dahil naka-blocked ang mga di kanais-nais na websites.

Dahil dito, matutuwa ang mga magulang at mag-aaral na mabibigyan ng gadgets. Na magagamit nila sa blended learning ng DepEd.

Kaya, salido tayo sa aksyon na ito ng Manila City, ni Mayor Isko at ng kanyang mga katuwang.  Ito ay pagkapapakita ng malasakit ni Yormi sa mga mag-aaral.

Sa iba kayang siyudad, maiisip din kaya nilang mamigay ng libreng gadgets?

Sa gayun ay pakinabangan ng kanilang mga mag-aaral? Harinawang mangyari.