
Patuloy ang pamamahagi ng mga wheelchair ng Pitmaster Foundation Inc. para mga kababayan nating nahihirapang maglakad at hirap nang makatayo dahil sa iniindang karamdaman.
Sa pagkakataong ito, ang mga taga-Imus, Cavite naman ang makikinabang sa nasabing mga wheelchair.
Ayon kay Atty. Caroline Cruz, program director ng Pitmaster, maraming nangangailangan ng wheelchair subalit walang kakayahang bumili.
Kasabay nito lumagda rin sa isang memorandum of agreement si Cruz kasama sina Imus, Cavite Mayor Manny Maliksi at Kap RR para sa libreng dialysis treatment.
Walang bayad at dapat ay mahirap ang tanging requirement ng Pitmaster sa kanilang libreng dialysis.

Para sa libreng dialysis, mag-message lang sa Pitmaster Facebook messenger o sa kanilang Instagram na ‘Pitmaster Cares’ o mag-email sa pitmasterfoundationinc@gmail.com.
More Stories
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS