Nitong Biyernes, Hulyo 31 mga Cabalen, sinabi ni Pangulong Duterte na maaaring bumalik na sa normal sa gitna ng hamon ng COVID-19.
“I promise you by the grace of God, I hope by December ay balik na ang pamumuhay natin sa normal. Hindi new normal,” sabi ng Pangulo.
Bunsod ito ng paglinang ng vaccine sa nasabing sakit. Ang tinutukoy ng Pangulo ay ang vaccine galing China na Sinopharm at Sinovac.
Bakas sa mukha ng Pangulo ang galak nang sabihin niya ito sa kanyang tape-public briefing
Tinuran din ng Pangulong Duterte na priority ng China na suplayan ang Pilipinas ng vaccine kapag natapos na ang clinical studies dito. Nag-iingat ang Presidente na huwag nang maulit ang kapalpakang dulot ng ’dengvaxia’.
Turan niya, na kapag dumating na ang bakuna, uunahing bigyan ang mga mahihirap. Ito ay gagawin aniya ng libre sa mga ospital, health centers at police stations.
Sunod naman ang mga nasa middle class, mga pulis at sundalo. Biro niya, iyong mga mayayaman ay bumili na lamang ng vaccine. Kasi afford naman daw ng mga ito.
Kasi, kung libre, tiyak na mauuna sila. Kapag ipagbibili naman ang vaccine, dehado ang mga mahihirap na walang pambili.
Inanunsyo din ni Pangulong Duterte na uunahin ng China ang pagsusuply ng bakuna sa Pilipinas kung matatapos na ang pag-aaral dito.
Kung sakaling walang aberya o ligtas ang bakuna galing China, mainam ang balak ng Pangulo na unahing bakunahan ng libre ang mga mahihirap.
Kawawa kasi sila kapag tinamaan ng COVID-19. Walang pan-confine sa ospital at wallang panggastos pambili ng gamot.
Posible naman itong mangyari. Huwag nawang maging ‘pangakong napako’ lang. Inaasahan talaga ito ng mga pamilyang mahihirap. Tablado raw sa bakuna ang mga drug addicts at drug pushers.
Nawa’y magbunga ng mabuti ang ginawang pagpapasalamat ng Pangulo sa Diyos. Sa ngayon, magtiis muna tayo.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA