PARA mapangalagaan ang kalusugan ng Pamilyang Valenzuelano senior citizens, sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng City Health Office ang pagpapatuloy ng anti-Pneumonia vaccine roll-out.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2023, ang Pneumonia ay nananatiling isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay sa mga matatandang populasyon.
Sa pamamagitan ng VCVaxPlus’ Project, “Vaccination at the Parks”, ang programa ay naglalayon na mapabuti ang accessibility at magbigay ng mga libreng bakuna para protektahan ang kalusugan ng mga senior citizen, na pinaka-bulnerable respiratory diseases.
Upang makuha ang kanilang mga bakuna, ang mga senior citizen na may edad 60 pataas ay maaaring bumisita sa libreng pneumococcal vaccination sites mula 9:00 AM hanggang 3:00 PM na nagsimula kahapon sa People’s Park June 3-7, Family Park, June 10-11 at 13-14, Polo Park, June 17-21 at June 24-28 sa People’s Park uli.
Ang mga magpapabakuna ay dapat magdala ng kanilang Valenzuela City Office of the Citizens Affair (OSCA) identification card, medical clearance (para sa mga may komorbididad), at pneumonia vaccine card (kung mayroon man).
Ang mga senior citizen lamang na papayagang makatanggap ng bakuna ay walang mga sintomas gaya ng ubo, sipon, lagnat, pananakit ng lalamunan, o iba pang sintomas ng trangkaso, hindi kasalukuyang umiinom ng mga antibacterial o steroid, hindi nabakunahan ng iba pang mga bakuna sa loob ng huling 14 araw o 2 linggo at hindi nakatanggap ng bakunang Pneumococcal sa loob ng huling 5 taon.
Ipapatupad ang first-come, first-served policy dahil sa limitadong supply ng bakuna at para sa mga katanungan tungkol sa pangangasiwa ng bakuna, mag-email sa [email protected] o tumawag sa CESU Hotline sa 137-160.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA