OPISYAL nang binuksan ang 24/7 free VIP lounge para sa mga overseas Filipino worker sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
“Ito’y isa lamang sa mga OFWs VIP lounge na ating bubuksan sa mga international airport sa Metro Manila, Clark, Cebu, at Davao para sa ating mga kababayan na paalis at papunta na sa kani-kanilang trabaho abroad. Gusto nating suklian ang malasakit ng OFWs sa ating bansa. Sila ang modern-day heroes. Isang legacy ito ni Pangulong PBBM,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Hatid ng naturang lounge ang iba’t ibang pagpipiliang pagkain at inumin, na may komportableng mga upuan, Wi-Fi at charging areas para sa mga OFW na naghihintay ng kanilang flight.
Naisakatuparan ito sa tulong ng pinagsamang pagsisikap ng House of Representatives, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers at Manila International Airport Authority.
Ito’y bilang handog na regalo para sa mga “modern-day-heroes.”
More Stories
Christian Benedict Paulino, James Ang, unang ginto sa swimming, athletics
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
DOST 1 DIRECTOR CHAMPION SA GENDER SENSITIVITY AT MAINSTREAMING SA ISPSC