HABANG nanood ng concert, nakababad sa swimming pool ang libo-libong party goers sa isang water park sa Wuhan, China noong Sabado, Agosto 15, 2020.
Napuno ng mga tao ang sikat na Wuhan Maya Beach Water Park habang masayang nakasuot ng kanilang swimsuit at googles para sa isang electronic music festival, marami sa kanila ang nakasakay sa salbabida habang ang iba ay nakababad sa hanggang dibdib na tubig.
Muling nagbukas ang water park nitong Hunyo matapos dahan-dahang buksan ang Wuhan makaraan ang 76 araw ng lockdown at ilang paghihigpit upang subukan at makontrol ang pagkalat ng virus.
Ang naturang park — na ayon sa local media na pinapayagan lamang sa 50 percent ang normal capacity – ay nagbigay ng kalahating presyo ng diskwento para sa mga babaeng bisita.
Makikita rin sa video ang isang performer habang nasa stage na kumakaway sa harap ng malawak na swimming pool kung saan naroon ang kumpulan ng mga tao, dikit-dikit at nagyuyugyugan, habang ang iba naman ay abala sa pagpitik ng mga larawan gamit ang kanilang cellphone na nakalagay plastic pouches na nakabit sa kanilang leeg.
Halos lahat ng taong naroroon ay makikita na walang suot na face mask at walang social distancing.
Nagmula ang unang kaso ng COVID-19 sa Wuhan noong nakaraang taon, isang siyudad na may 11 milyon na mamamayan, bago tuluyang kumalat ang virus sa buong mundo, na kumitily ng ilang daang libong buhay at nagpadapa sa ekonomiya.
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON