Libu-libong overseas Filipino workers (OFW) sa Hong Kong ang tatanggap ng dagdag sahod matapos itaas ng Chinese territory ng HK$140 ang minimum monthly wage para sa mga foreign domestic helper (FDHs).
“These wage increases in Hong Kong shall be applicable only to FDH contracts signed on or after 30 September 2023,” ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Mula sa HK$4,730 (₱36,917.65), ang minimum monthly wage ng mga FDH ay magiging HK$4,870 (₱38,010.35).
Itinaas din ng new wage order ang allowable food allowance para sa mga FDH sa HK$1,236 (₱9,649.98) mula sa HK$1,196 (₱9,334.78).
Iniulat ng Migrant Workers Office sa Hong Kong na mayroong 196,364 na Filipino domestic helpers sa Hong Kong noong Agosto ngayong taon.
Kasama sa mga ito ang tinatayang 40,000 mga bagong hire at ang mga may mga na-renew na kontrata, na direktang makikinabang sa bagong batas sa sahod.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY