Kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month sa Pilipinas, nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Filipino na patuloy na suportahan, irespeto at kilalanin ang LGBTQ+ community at ang kanilang importansiya sa lipunan.
“Mahalaga na patuloy ang pagsuporta, pagrespeto at pagkilala sa kanilang mahalagang ginagampanang bahagi sa ating lipunan: ang kanilang di matatawarang kontribusyon sa iba’t ibang larangan, nakikipagsabayan sa kaninuman; ang mga responsible at walang kapagurang tagapagtaguyod ng kanilang pamilya at tahanan,” saad ni Marcos sa kanyang latest vlog.
Hinimok ng pangulo ang mga Filipino na purihin ang naturang sektor dahil sa kanilang pagpapakita ng Filipino skill at kahusayan, tumulong na wakasan ang diskriminasyon laban sa mga miyembro nito.
“Sa bagong Pilipinas ang Pilipino ay malaya at sa bagong Pilipinas ang Pilipino ay malawak ang isipan at malaya sa diskriminasyon o pagkutya,” saad niya.
Sa nakaraang survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) lumalabas na mas pinagkakatiwalaan ng mga Filipino ang mga bading o tomboy.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD