December 24, 2024

LGBT MASAMA ANG LOOB SA PAGLAYA NI PEMBERTON (Pumatay kay Jennifer Laude)

Nagsagawa ng kilos-protesta ang BAHAGHARI kasama ang iba pang grupo ng kabataan ngayong araw, Setyembre 4, 2020 sa harap ng Department of Justice sa Maynila upang kondenahin ang maagang paglaya ni US Marine Joseph Scott Pemberton, ang pumatay sa Filipina transwoman na si Jennifer Laude. (Kuha ni NORMAN ARAGA)

MARIING kinondena ng iba’t ibang grupo ng LGBT (lesbian, gay, bisexual and trasgender) ang inilabas na court order para maagang makalaya si United States Marine Joseph Scott Pemberton na nahatulan sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

Sa isang pahayag, inilarawan ng Bahaghari ang paglaya ni Pemberton na hindi makatarungan.

“It represents the unfettered injustice the LGBTQ+ community continues to face, and moreover, the Philippine government’s continued submission to US imperialism. Justice for Jennifer cannot exist without both being decisively ended,” ayon sa grupo.

Iginiit din ng grupo na dapat makulong si Pemberton sa National Bilibid Prison, kung saan naroon ang mga nahatulan na kriminal sa Pilipinas.

“We assert that the Visiting Forces Agreement, which has exacerbated injustice for Jennifer Laude to the greatest extent, must be finally abolished,” dagdag pa nila.

Para naman sa Lagablab LGBT Network, ang paglaya ni Pemberton ay hindi sapat na kabayaran para sa krimen na kanyang ginawa.

“Pemberton has served only six years of his 10-year sentence. Our sister, Jennifer Laude, suffered a most violent and gruesome death under the hands of Pemberton,” ayon sa Lagablab.

“Jennifer’s life is not worth six years of solo and comfortable stay in Camp Aguinaldo,” dagdag pa nila.

Noong Martes nang pagbigyan ng Olongapo City court ang early release plea ni Pemberton sa ilalim ng good conduct time allowance rule (GCTA).

Kung maaalala, inamin ng nasabing US Marine ang pambubugbog at pagsakal kay Laude hanggang sa mamatay noong malaman ni Pemberton na mayroon din itong ari ng lalaki.