Umusad na si Fil-Canadian Leylah Fernandez sa finals ng 2021 US Open women’s singles sa New York. Ginapi ng 18-year old netter si world no.2 Aryna Sabalenka ng Belarus, 7-6(3), 4-6, 6-4 sa semis.
Hindi akalain ng mga expectators na makakapalaot sa finals si Fernandez. Kaya naman, para ‘apex predator’ na ang kanyang siste. Ito’y dahil sa paninilat sa mga tennis players na mas mataas ang rank kaysa sa kanya. Kaya naman, sumampa siya sa kanyang first Grand Slam debut.
Nakuha nito ang atensyon ng mga matatas na tao sa iba’t ibang larangan. Kabilang na si Brooklyn Nets coach Steve Nash.
Kabilang sa niluray nitong mga tourney favories sina Naomi Oasaka, Angelie Kerber at Elina Svitolina. Panghuli ang Bellurussian na winalis niya sa three sets.”There were so many things that are happening right now. I met Billie Jean King, I met Juan Martin Del Potro, I got Steve Nash in my box. I got my whole family,” ani Fernandez.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!