Impresibo ang pagsalang ni Leylah Fernandez sa French Open first round. Sa harap ng loud crowd sa Roland Garros, dinaig ng Fil-Canadian netter ang local bet na si Kristina Mladenovic. Pinadapa niya ito sa iskor na 6-0, 7-5.
Inamin ni Fernandez na apektado siya crowd na tsini-cheer si Mladenovic. Pakiramdam niya, kasama ang hiyaw ng crowd sa pagsira ng kanyang diskarte. Pero, sinikap niya na hindi masira ang kanyang focus.
Sa kabila nito, hinangaan niya ang crowd na tila nagbigay din sa kanya ng sigla sa laro.
“Having that experience of the French crowd that was chanting, shouting, it was a great experience, like a football match,” aniya.
“I just tried to think about my game and to have fun on the court because it’s not every day you have such an atmosphere. I’m very happy to have lived such a match,”dagdag nito.
Susunod na makakatapat ng 19-anyos na netter ang 4-time Grand Slam doubles champion na si Katerina Siniakova sa second round.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2