
Nagreyna si Fil-Canadian netter Leylah Fernandez sa Abierto GNP Seguros 2022. Nilikida nito sa finals si Camila Osorio ng Colombia sa laban na idinaos sa Monterrey, Mexico.
Matagumpay din nitong nadepensahan ang kanyang title. Sa kanilang halos 3-hour bout, pinadapa ng 2nd seed na si Fernandez si Osorio (5th seed), 6 (5)-7 (5), 7 (7)- 6(3).
Sa umpisa ng laban ay rumatsada ang Colombian netter sa pagpalo ng 1-4 lead. Subalit, nakabalikwas ang Fil-anadian netter ay nagawang makahabol.
Ang nasabing title ay ikalawang Women’s Tennis Association (WTA) title ni Leylah. Sa kasalukuyan ay World No. 21 ang 19-anyos na si Fernandez.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT