Sikat ngayon si ‘Levchyk’, isang pusa na naninirahan sa kalye ng western Ukrainian city. Nagningning ang pusa sa Tiktok kaya nakarating sa mayor’s office.
Tinanggap ng Lviv si Levchyk na tinatawag ngayong ‘ cat mayor’. Na-rescue ang pusa noong 2020 sa isang puno malapit sa city hall.
Kalaunan, inalagaan at naging opisyal ito ni Mayor Andi Sadovyi. Nagalak naman ang mayor dahil nagba-viral sa Tiktok ang video ng pusa.
Hango ang pangalan ng brown babby cat sa diminutive form ng leon sa wika ng Ukraine. na umaani ng daan-daan at libong views sa Tiktok.
Gumagawa na rin ito ng pangalan sa Instagram. Kung saan, patok ang mga pinopost na video at picture nito.
Karaniwang niche ng video ng pusa ang paglalaro nito sa office. gayundin ang pakiipaglaro nito sa ibang opisyal ng city hall.
Sa kanyang pamamalagi sa opis, na-meet na ng pusa ang UN Resident at Humanitarian Coordinator. Gayundin ang Belgian delegation at nakalaro ang U.S ambassador.
Ang Instagram account nito ay nakipag-collab sa veterinary clinic ng siyudad. Na naglalayung makanahap ng tahanan at mag-aalaga sa mga stray animals.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA