Tinapos ng Letran Knights ang NCAA Season 97 campaign nang walang dungis ang record. Dinispatsa nila sa Game 2 ang Mapua Cardinals, 75-65 sa finals. Dahilan upang makopo nila ang championship title sa best-of-3 finals series.
Sumandal ang Knights sa Rookie-Most Valuable Player Rhenz Abando. Na kahit may injury ay nag-ambag sa team. Kaya naman, sila pa rin ang paborito na magkampeon sa Season 98. Ito ay dahil sa mananatili pa rin ang kanilang deadly core. Ang next season ay papalo sa Setyembre at paghahandaan na nila ito.
“Right now, I’m very happy that I’ve finally become a champion,’’ ani Abando. Naabot nito ang kanyang pangarap na magchampion. Unang naglaro sa rival league na UAAP si Abando.
Ngunit, nabigo siyang makapagkampeon. Pero, nang lumipat sa NCAA, sinuwerte
siya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2