November 5, 2024

LEREN MAE BAUTISTA, KISSES DELAVIN, STEFI ROSE AT MAUREEN, NAMUMURONG MANALO SA MISS U PHILIPPINES

Kumbaga sa bingo, mas namumuro si Leren Mae Bautista na manalo sa Miss Universe Philippines 2021. Kasado na coronation night sa Bohol sa September 30. Kung saan, malalaman na ang kokoranahang dilag na kakatawan sa Miss Universe beauty pageant ngayong taon. Pero, bet namin na magwagi si Leren. Siya ang tunay na malakas.


Tanong din ng netizens, sinu-sino nga ba ang malakas? Sino ang malaki ang tsansang makasungkit ng korona? Pasok kaya ang sinasabing malalakas sa survey?
Sa ganang amin at sa mga netizens, halos lahat ay deserving. Pero, may talagang mananaig. O makakasama sa Top 5.


Batay sa nakalap naming opinyon at saloobin ng mga netizens, may manok sila sa nasabing pageant. Bale 28 candidates na lang ang nalalabi sa pageant night. Karamihan ay bet si Kirsten Danielle Delavin na pambato ng Masbate. Gayundin si Maureen Christa Wroblewitz ng Pangasinan.


Pero, pasok din sa panlasa ng iba si Maria Corazon Abalos ( Mandaluyong), Steffi Rose Aberasturi (Cebu Province) at Princess Kristha Singh (Pasig City). Pehadong ang mga nabanggit raw ay pasok na sa Top 5. Pero, iba ang dating ni Miss Laguna. May pagka-Catriona Gray kasi siya at bet namin siyang manalo.


Pero, malakas din sina Miss Taguig Katrina Dimaranan at Miss Laguna Leren Mae Bautista. Sila ang masasabing puro na masungkit ang titulo. Pero, namumuro rin sina Kisses Delavin at Steffi Rose. Gayunman, pehadong makakapasok umano sila sa Top 5.