November 5, 2024

LENI MAY BUWELTA SA MGA TUMAWAG SA KANYANG ‘MADUMB’, ‘LUTANG’, ‘BOBO

May pasaring si dating Vice President Leni Robredo sa kritiko niya na paulit ulit na minamaliit ang kapasidad ng kanyang utak.

Sa kanyang talumpati sa isang pagtitipon sa Pampanga sinabi ni Robredo na hindi na siya makapaghintay kung ano ang masasabi sa kanya ng mga kritiko niya ngayong napili siya ng Harvard Kennedy School na maging Hauser Leader.

“Excited ako kung ano yung… kasi ‘di ba yung pinaka-narrative na… pinaka-narrative nila sa akin na b*b* ako ‘di ba? B*b* ako, lutang, Madumb… ‘Yun yung sabi nila.” ani Robredo.

Ayon kay Robredo ay hindi niya naman hiniling sa Diyos na maging Hauser Leader siya sa prestihiyosong unibersidad ngunit ibinigay parin ito sa kanya.

“Pero sabi ko nga, talaga ang Diyos, yung Diyos talaga marunong. Kasi… yung mga dumarating sa akin, parang hindi ko naman sino-solicit,” sabi pa niya.

Sinabi pa nito na walang katotohanan ang mga akusasyon na mahina ang kanyang ulo dahil narin sa pagbibigay sa kanya ng honorary degree ng Ateneo de Manila.

“Tingin ninyo ang Ateneo magbibigay sa isang lutang at b*bo? ‘Di naman siguro… Tapos ngayon, hindi lang Ateneo kundi Harvard,” wika pa ng dating VP.

“Hindi naman sa pagyayabang pero parang ang feeling ko kasi, sagot iyon ng Diyos para sa kanila,” dagdag niya pa.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng reaksyon kay Robredo.

“What she doesn’t realize is that the practice of giving away honorary degrees is really just a gesture of goodwill. Other than that, they don’t mean anything, and they are certainly not meant to be cited as an educational achievement.” sabi ni Genom Alfredo.“Unbothered talaga si Leni Robredo sa mga trolls,” wika naman ni Jairo Miguel.