Lumabag sa safety protocols ang “Pink Sunday” campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis Pangilinan sa Quezon Memorial Circle ngayong araw, ayon sa city government ng Quezon City.
Hiniling din ng local government unit (LGU) sa iba pang kandidato na magsasagawa ng events sa siyudad na mahigpit na sumunod sa mga kasunduan na nakasaad sa mga nilagdaang permit na ipinagkaloob sa kanila. “Unfortunately, today’s Pink Sunday event organized by supporters of Vice President Leni Robredo and Senator Francis (Kiko) Pangilinan resulted in a spillover crowd that violated several restrictions that were mutually agreed upon. While crowd control is a highly complicated aspect of large gatherings, it is a test of discipline for the organizers and attendees to show that their chosen candidates observe the laws of the land,” mababasa sa statement.
Hinikayat din ang mga event organizer na dumalo sa pre-event coordination meetings, kung saan sinabi ng LGU na “napakaimportante” dahil hindi pa rin nakakawala ang ating bansa sa coronavirus diseases 2019 (COVID-19) pandemic.
“Each candidate is assigned the same venue and the same concessions, and these must be observed for everyone’s safety. Although NCR (National Capital Region) is currently under the more moderate Alert Level 2, our country is still in the midst of a pandemic,” mababasa pa sa pahayag.
Humingi naman paumanhin ang spokesperson ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez sa pagkakamali.
“While the organizers ensured that access to the immediate vicinity of the program proper was limited, and that all attendees were advised to bring vaccination cards and observe health protocols, the sheer number of people that arrived was a challenge, for which we apologize. Rest assured the campaign is taking steps to ensure stricter compliance with all applicable regulations moving forward,” ayon kay Gutierrez sa isang pahayag.
Tinatayang nasa 20,000 na Robredo supporters ang dumalo sa naturang event.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY