November 19, 2024

LEKSIYON SA TOKYO,POSIBLE ANG HALOS IMPOSIBLE – TING

MAY itinimong leksiyon ang Tokyo Olympics partikular sa atletang Pinoy.

Puwede palang  ma-accomplish ang halos mission impossible sa pinakamalaking sports spectacle sa mundo partikular ang pagsungkit ng medalya sa larangang nilalahukan ng mga pinakamagagaling na atleta sa daigdig.

Isa si Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma sa mataas ang kumpiyansa noon pa  na kayang manalo ng Pilipino sa biggest arena ng mga atleta lalo na sa mga larangang halos kapantay lang ang pisikal at tangkad ng mga katunggali kahit na mula pa sila sa mga sports power na nasyon ang mga katapat sa kumpetisyon.

Pruweba rito aniya ang tagumpay ni Hidilyn Diaz-ang kauna-unahang atletang Pinoy na nagwagi ng gintong medalya sa Olympic weightlifting – ang sport na dinodomina ng mga puti at singkit na mga lahi.

Ayon pa sa dating national pingpong player na si Ledesma ,maliwanag ang pinatunayan ni golden  Hidilyn na sa pamamagitan ng tapang, determinasyon, tiwala sa sarili, sakripisyo , suporta ng kinauukulan at basbas ng Panginoon ay kayang abutin ang pangarap gaano man ito katayog at kahirap.

   ” Noon akala ng marami walang pag-asa ang Pilipino sa olympic sport na weightlifting , pero dumating ang panahon na namayagpag ang Pilipino sa pinakamabigat na kumpetisyon, ” ani Ledesma na binigyang-diin na darating din ang ginintuang sandali  sa table tennis  handog ng mga lulutang ang talentong Pinoy pongers sa nalalapit na ring panahon basta’t tuluy-tuloy lng ang programa mula grassroot hanggang elite lakip ang suporta ng kinauukulan at sambayanan.

” Ang tagumpay ng Ph weightlifting ay posibleng mangyari sa Ph table tennis”ani pa Ledesma na sumaludo rin sa lahat ng Pinoy Olympians na sumabak,at nagkamedalya para sa Pilipinas

Ang Ph table tennis sa timon ni Ting at nakapag-produce na ng Olympian sa katauhan ni late Ian Llariba at  youth Olympian na si Jan Nayre .Susunod diyan ay Olympic podium na at ito ay posible.Darating ang panahon magigiba na rin ang great wall of China sa pingpong… ABANGAN!