Pinalawig ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang localized enhanced community quarantine (LECQ) sa Barangay 183 sa Villamor sa lungsod ng Pasay kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.
Kaugnay nito humingi na ng saklolo si Bgry. Chairwoman Ruth Cortez ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan.
Ayon kay Cortez magtatapos na sana sila ngayong March 4 pagkatapos ng 14 days LECQ subalit palalawigin pa umano kaya kailangan nila ng tulong mula sa Pasay City Hall.
Paliwanag ng kapitana nadagdagan pa ng active cases ang kanyang barangay dahil sa tuloy-tuloy na swab testing matapos matukoy ng contact tracing doon na nakasalamuha ng nagpositibo sa virus.
Ayon kay Cortez 35 na ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Brgy 183 kaya alarming at kritikal pa umano kung luluwagan na ang paglabas at pagpasok ng mga tao sa nasabing barangay.
Wala pa umanong advice ang DILG kung hanggang kailan mananatili ang LECQ sa 56 na mga barangay sa lungsod ng Pasay.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY