Pinigilan umano ng kasalukuyang agent ni NBA superstar Lebron James ang potensyal na paglalaro sana ng tinaguriang NBA king sa Golden State Warriors.
Unang pumutok ang mga trade talk sa pagitan ng Warriors at Los Angeles Lakers nitong offseason kaugnay sa posibleng paglipat ni Lebron sa Warriors ngunit hindi ito natuloy bagkus tuluyang pumirma si Lebron ng contrat extension sa Lakers.
Batay sa bagong report na lumabas sa NBA, nakiusap umano ang kasalukuyang agent ni Lebron na si Rich Paul sa Lakers at Warriors management na huwag ipagpatuloy ang pag-uusap.
Ginawa umano ito ni Paul sa kabila ng nauna nang pag-uusap sa pagitan nina Warriors owner Joe Lacob at Lakers owner Jeanie Buss.
Naging katwiran ni Paul ay ang kagustuhan nitong ma-protektahan si Lebron laban sa mga posibleng pambabatikos sa kanyang paglipat ng team sa ika-apat na pagkakataon sa kanyang buong karera.
Maalalang dating naglaro sa Miami Heat at Cleveland Cavaliers si Lebron James kung saan naging instrumental siya upang makapag-uwi ng tropeo ang dalawang nabanggit na team.
Habang naglalaro siya sa Cavs, apat na beses niyang nakaharap ang Warriors na pinaghaharian ng dating splash brothers na sina Stephen Curry at Klay Thompson. Dito ay tatlong beses na natalo si Lebron.
Nitong nakalipas na Olympics ay natunghayan ng mga basketball fans ang pagsasama ng dalawang superstar na unang pagkakataon sa kanilang karera.
Ngayong season, 39 anyos na si Lebron James at makakasama niyang maglaro ang kanyang panganay na si Bronny James sa Los Angeles Lakers. (RON TOLENTINO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA