Panibagong player na tutulak patungong US si Ateneo standout LeBron Lopez ayon sa East West Private firm. Kinumpirma rin ng EWP na pumirma sa kanila ang 16-anyos na Blue Eaglets forward.
Sa oras na ma-formalized, sasalang ang 6’5 na si Lopez sa NBA G League. Makakasama rin nito si kapwa Blue Eaglet Kai Sotto. Gayundin si FEU Cholo Anonuevo at Fil-Am Sage Tolentino.
Ang mga naturang young players ay pawing EWP’s trainess na target malinang ang laro sa Cincinnati, Ohio. Si Lopez ay may average na 16.0 points, 9.2 rebounds, at 3.0 blocks noong first year niya Ateneo noong last UAAP Season 82.
Ang impresino niyang performance ang nagluklok sa kanya sa Mythical Team kahit fourth finisher lang ang Blue Eaglets. Unang naglaro ang Fil-Angolan high-flyer sa La Salle Greenhills bago lumipat sa Katipunan.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo