Sa unang pagkakataon sa kanyang 15 year playoff strick, nawalis sa first round si LeBron James. Tinusta na ng Phoenix Suns ang Los Angeles Lakers sa Game 6, 113-100 sa West Round 1.
Tinapos ng Suns ang series sa 4-2. Malungkot na senaryo ang nakita at naramdaman sa Staples Center. Tapos na ba anila ang pamamayagpag ng LA teams? ‘O hindi nila taon ngayon?
Bumida sa panalo ng Suns si Devin Booker sa pagtala ng 47 points, 11 points at 3 assists.
Nag-ambag naman si Jae Crowder ng 18 points, 8 boards at 2 blocks.
Samantala, binuhat naman ni LeBron James ang Lakers. Nagtala si James ng 29 points, 9 boards at 7 assists. Kumana naman si Dennis Schoder ng 20 points, 3 boards at 3 assists.
Si Kentavious Caldwell-Pope naman ay nag-ambag ng 19 points at 3 boards.
Naging mabigat sa Lakers ang inupak na 22 point lead na kalamangan ng Suns, 36-14 sa first quarter. Mula rito, naghabol ang Lakers. pero, di nagpaapula ang Suns.
Katunayan, bitbit nila ang 21 point lead sa pagtatapos ng first half. Mula rito, naghabol ang Lakers at nagtangkang ibaba ang lamang sa single digit.
Pero, bumira sina Crowder at gumana ang pagiging catalyst ni Chris Paul para tulungan ang Suns.
Dahil sa panalo, abanse na ang Suns sa semis at makatatapat nila ang Denver Nuggets.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA