Inupat ni LeBron James ng Los Angeles Lakers ang regulasyon ng NBA kaugnay sa 2020-21 season. Ayon kay James, malaki ang naging epekto ng short season sked sa kondisyon ng mga players.
Ang 2020-21 regular season ay ikinasa ng liga noong December 22, 2020. Pero, ayon kay LeBron, dapat ay ikinasa ito ng January 2021.
Sa gayun ay magkaroon ng mahabang panahon ang mga players na mapagpahinga. Lalo na yung mga nakapaglaro mula sa playoffs. Ang resulta ng pinaikling season, ang pagiging prone sa injuries ng mga star players.
Kabilang na nga sa mga ito sina Jamal Murray, Kyrie Irving at Kahwi Leonard. Gayundin ang kakamping si Anthony Davis, Jayleen Brown at Mike Conley.
Dahil dito, ibinulalas ni LeBron ang kanyang frustration sa Twitter.
“They all didn’t wanna listen to me about the start of the season. I knew exactly what would happen.”
“I only wanted to protect the well being of the players which ultimately is the PRODUCT & BENEFIT of OUR GAME! These injuries isn’t just “PART OF THE GAME”. It’s the lack of PURE,” tweet nito.
Bukod dito, nabatak pa ang ilang team sa back-to-back games. Apat na laro sa loob ng limang gabi. Kung nasunod lamang ang suhestiyon niya, nag-iba sana ang outcome ng playoffs.
Kinatigan naman ng ilang sports analyst ang pahayag ng 4-time NBA champ. Kaugnay dito, sumagot naman ang liga sa criticism ng Lakers star.
“While injuries are an unfortunate reality of our game, we recognize the enormous sacrifices NBA players and teams have made to play through this pandemic,” sabi ng spokesman ng liga na si Mike Bass.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo