June 30, 2024

LEBRON, BRONNY MAGKAKAMPI NA SA LAKERS

NAPILI ng Los Angeles Lakers si Bronny James sa second round ng NBA draft, dahilan para matupad ng kanyang ama na si LeBron ang matagal nang pangarap na makasamang makalaro sa iisang koponan ang kanyang anak.

Nakatanggap ng tawag si Bronny, 19, mula kay General Manager Rob Pelinka kaugnay sa naging desisyon ng Lakers. Nagbigay naman ang kanyang ama ng emotional champagne toast sa pamilya at mga kaibigan nang matanggap nila ang magandang balita habang nasa isang restaurang sa New York.

Sina Bronny at Lebron ang kauna-unahang father-son duo na maglalaro sa naturang liga.

“Family business,” post ng Lakers sa X na may kasamang luma at kasalukuyang larawan nina Bronny at Lebron.

Nag-post din ng larawan si Bronny suot ang Lakers jersey sa Instagram.

“Historic moment” ani naman ni Lakers great Magic Johnson sa X kasabay ng pagbati niya kay Bronny sa pagkakapli sa kanya sa 55th pick sa draft. (RON TOLENTINO)