Interesting story ang buhay ni Milwaukee Bucks star Giannis Antetokuonmpo. Kaya naman, nais ng Walt Disney na gawan ng biopic ang buhay nito.
Kamakailan, naghanap sila ng actor na gaganap sa papel ng tinaguriang “The Greel Freak”. Hanggang sa mahanap na nila ang gaganap sa lead role ni Antetokounmpo.
Bago pa napunta sa NBA, mahirap ang naging pamumuhay nina Giannis sa bansang Greece. Nagbebenta siya noon ng scraps sa lansangan.
Hiraman sila ng sapataos ng kanyang mga kapatid. Kinarir nito ang paglalaro ng basketball hanggang sa madiskubre.
Kalaunan, lumagda ito ng kontrata sa NBA. Mula rito, hinirang siya bilang 2-time MVP ng liga at Defensive Player o the Year award.
“As they work to make this idea into reality, Disney has found the man to play Giannis. Newcomer Uche Agada will play the role of the Greek Freak,” ayon sa ulat.
Ang bio-epic ni Giannis ay tinatrabaho na noon pang 2019.
Ang filming nito ay inaasahang gagawin at sisimulan sa katapusan ng taon. Ang main locations nito ay Greece at U.S.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!