IBINUHOS ng Itakura Parts Philippines Corp.( IPPC) Hawks ang buong puwersa nito upang patahimikin ang twice to beat PK Holdings Thunderz,11-3 sa kanilang semifinal match ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup kamakalawa sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
Humataw agad ng double si first batter Hawk Erwin Bosito na sya ring umiskor ng run sa first inning pa lang habang outstanding ang performance sa mound ni number 1 pitcher Lyle Caasalan na naging hudyat ng eksplosibong laro ng IPPC Hawks ni team owner Kunifumi Itakura para patahimikin ang nagbabadyang dagundong ng Thunderz.
Ang panalo ng tropa ni head coach Orlando Binarao ang siyang naging daan upang ikasa ang kanilang winner -take-all rubbermatch sa susunod na weekend kung saan ang mananalo ay haharapin ang wagi sa isa pang semis match sa pagitan ng NU Bulldogs kontra UST Tigers.
“Maganda ang start dahil umiskor agad kami ng first run sa first inning pa lang at nag-commit din sila ng mga error kaya every inning ay umi-score kami plus naka-adjust na ang mga players ko sa pitcher nila.Inistart ko agad ang number 1 pitcher ko na si Caasalan,” wika ni Binarao na nagpasalamat din sa todo suporta ng kanilang team owner na si Itakura .
Ayon naman kay IPPC official at spokesperson ni Itakura na si Iris Magpantay , labis na ikinagagalak ng Japanese national Philippine based consultant sa Ph baseball ang napipintong pagpasok ng IPPC Hawks sa finals ng LBP Tingzon Cup na inorganisa nina LBP Chairman Wopsy Zamora, President Pepe Muñoz at Executive Director Boy Tingzon.
Ang Tingzon Cup ay ipinangalan bilang parangal kay legendary baseball leader Rodolfo Tingzon, Sr. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA