September 8, 2024

LBP Tingzon Cup semifinals: NU TWICE TO BEAT VS UST

BITBIT ng UAAP’86  champion National University ang winning tradition nito hanggang sa  Liga Baseball Pilipinas( LBP) matapos itong  mangibabaw sa elimination round at awtomatikong maging twice to beat team papasok ng semifinal round.

Makakatunggali ng NU Bulldogs ang UST Tigers para sa crossover semis ng ligang inorganisa nina LBP Chairman Wopsy Zamora , President Pepe Munoz at Executive Director Boy Tingzon.

 “Tuloy pa rin kung anong ginagawa namin as a team.

Tulungan lang, lalo na sa depensa. Andun pa rin ang mentality and focus namin para makuha  ang championship sa LBP.” wika ni Bulldogs head coach Romar Landicho na nagpugay din sa kanyang assistants na sina coach Robin Go at coach Mon Espina.

Maghahatawan naman ang Itakura Parts Philippines Corp.( IPPC Hawks)ni Ph baseball consultant Kunifumi Itakura kontra Thunders sa isa pang semis berth.

Nakatakda ang bakbakan sa susunod na weekend.

Ang Tingzon Cup ay ipinangalan bilang parangal sa legasiya ni baseball leadership icon Rodolfo Tingzon, Sr. (DANNY SIMON)