June 18, 2024

LBP Tingzon Cup… NU AMIGO AT KBA STARS DETERMINADONG UMENTRA SA WIN COLUMN

SISIKAPIN ng NU Amigo at KBA Stars na maitala ang unang panalo kontra katunggali sa pagpapatuloy ng elimination round  bakbakan ng Liga Baseball Philippines(LBP) Tingzon Cup ngayon sa Rizal  Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

Ang kakokoronang kampeon ng UAAP ’86 na NU ay haharapin ang  Team Dumaguete na halos  binubuo ng karibal nilang La Salle, ay maghaharap sa main game  ng doubleheader bandang ala-una ng hapon.

Handa naman si NU head coach Romar Landicho sa game plan ng nakalaban nilang tropang La Salle na naglalaro para sa Dumaguete at muli ay kanyang ilalatag ang kanilang matibay na depensa na naging mabisang sandata nila sa nakaraang season  ng UAAP .

Determinado namang dagitin ng Dumaguete ang ikalawa nilang panalo sa torneong inorganisa nina LBP Chairman Amando ‘Wopsy Zamora, President Jose ‘ Pepe Muñoz at Executive Director Rodolfo ‘Boy Tingzon.

Mauuna dito ang hatawang KBA (Katayama Baseball Academy) Stars kontra Samurai U-18 sa ganap na alas-otso ng umaga.

Ang KBA team ni Japanese national Philippine-based at Ph baseball consultant Keiji Katayama ay binubuo ng mga bagito, beterano at mga naging miyembro at aktibo pa sa national team.

Optimistiko si Katayama na iiskor sila ng panalo kontra sa Samurai na nanggugulat naman sa liga dahil sa husay na pinamamalas sa LBP Tingzon Cup dahil ang mga manlalaro nito ay pawang kabataang ni-recruit pa sa sa countryside baseball tournaments.

“After two weekends of LBP baseball action, leading ang UST, 2-0 kasunod ang Thunderz(2-1),IPPC Hawks(2-1),Samurai(1-1),Dumaguete (1-1),NU(0-1),KBA (0-1) at Ateneo(0-2).Wala pang domination so far.Puwedeng ma mag-pullaway at maaring may makahabol sa team standing this weekend, abangan natin!” wika ni Chairman Zamora.