December 25, 2024

LBP Tingzon Cup… IPPC HAWKS MAS MABANGIS KONTRA NU BULLDOGS

PASOK na  sa win column ang powerhouse IPPC ( Itakura Parts Philippines Corp.) Hawks matapos ungusan ang UAAP champion  National University ( NU) Bulldogs, 2-1 via extra inning sa pagpapatuloy  ng 1st Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Maynila.

Tabla ang laban matapos ang regulation 9th inning 1-1 kung saan naging mas matatag sa pressure ang Hawks ni team owner Kunifumi Itakura sa extension 10th frame.

Unang nanagpang ang Bulldogs  ni coach Romar  Landicho kortesiya ni Fil -Am Mon Espino sa top of 6th inning pero naitabla ang laban ni Hawks mentor Orlando Binarao sa bottom 8th.

Full bases ang IPPC runners na posibleng winning play na ng tropa ni Itakura. Error ang Bulldogs shortstop sa infield ang naghatid ka Erwin Bosito sa homebase 1-1  ngunit nagawang i-strikeout ng NU pitcher ang sumunod na batter at kasunod nito ang scoreless 9th inning para umabot sa extra 10th.

Sa last bat ay walk sa first si Mark John Philip Beronilla.At bat si Lyle Caasalan strike 2 / 2 outs nang humaginit ang hataw nito sa left outfield na nag-RBI kay Beronilla para sa winning run tungo sa pag-entra sa win column at makabawi ang Hawks sa kanilang unang talo kontra Samurai noong nakaraang weekend.

“Alam ng ating tropa na we can’t afford to lose back-to-back kaya nanindigan sila hanggang huli.A win is still a win kahit umabot pa sa extension. Konting blending pa  makukuha na ang rhytm to win.Individual experience ang susi”, wika ni coach Binarao.

Pinuri din ni deputy coach Darwin dela Calzada ang determinasyon ng Hawks.” Both teams deserve to win pero nanaig ang experience.Adjust lang sa hitting , contact  in lieu of powerhitting”.

Sinabi naman ni team manager Iris Magpantay (spokesperson ni Itakura) na ramdam niyang makakabawi ang IPPC at magpapanalo pa sa mga susunod nilang asignatura sa bagong ligang inorganisa nina LBP Chairman Amando ‘Wopsy Zamora, President Jose ‘ Pepe Munoz , Executive Director Rodolfo ‘ ‘Boy Tingzon  at Board sa pangiunguna ni PABA President Joaquin ‘Chito Loyzaga. Ang iba pang manlalaro ng IPPC Hawks ay kinabibilangan nina Nico Alig, Ram Alipio, Kirk Bigkas, Carlo Conde, Alfredo de Guzman III Christian Paul de Leon,Clarence Cyle,Kenneth delos Santos, John Flores, Diemar Sacote, Kier Plaza,Jerome Florida, Christian Galedo, Jarius Inobio, Miguel OlmosSaxon Omandac, Severino Joao at Rommel Roja. (DANNY SIMON)