MATAPOS ang apat na weekend games (Sabado at Linggo) sa Liga Baseball Philippines ( LBP) Tingzon Cup, bumabandera ang Itakura Parts Philippines( IPPC ) Hawks kontra pito pang koponan sa team standing.
Ang Laguna-based team na pag-aari ni Japanese national Philippine- based Kunifumi Itakura ay may kartada ngayong 4-1 panalo-talo upang manatili sa ituktok ng team standing.
Huling biktima ng Hawks ang Dumaguete Unibikers nitong nakaraang Linggo,9-1 para okupahan ang liderato sa ligang inorganisa nina LBP Chairman Amando ‘Wopsy Zamora, President Jose ‘Pepe Munoz at Executive Director Rodolfo ‘Boy Tingzon.
Si Ram Alipio ay may 2 hits at 1RBI, pinch hit si Jerome Florida full bases 3 RBI double, at si Saxon Omandac ay naka- single at 1 RBI.
Nag-pitch si Kenneth Delos Santos ng hanggang 6th at pumalit si Miguel Olmos sa 7th hanggang 9th. Segunda sa standing ang Thunderz kasunod ang UST Tigers, 3-1, NU Amigos,2-1,KBA Stars na may 1-2,Samurai ay 2-4, Dumaguete ay 1-3 habang wala pang panalo ang Ateneo, 0-3. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA