June 26, 2024

LBP Tingzon Cup Baseball: NU AMIGOS DINAGIT ANG DUMAGUETE UNIBIKERS

NAGPARAMDAM na ng bangis ang UAAP 86 season  champion National University men’s baseball team sa liga ng mga higante sa larangan.


Pumasok na sa win column ang NU Amigos mstapos silain ang Dumaguete, 14-7 sa pagpapatuloy ng elimination round ng  1st Season Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup nitong eeekend sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.


Matapos ang scoreless first inning, humataw ng RBI single si Keith  Olazo at 2 RBI double si Jerick Timban para sa 3-0 abante ng tropa ni NU coach Romar Landicho.


Sinundan pa ito  ng pananalasa sa ng dalawang run  sa throwing  error sa 3rd inning  habang nakaisa ang Dumaguete para sa 5-1 bentahe ng Bulldogs.


Sumiklab ang Dumaguete Unibikers sa top of  4th frame  sa isang bases clearing triple RBI upang dumikit sa laban pero sinagot ito ng 2 runs ng Amigos pars sa score na  7-4  hanggang dumistansya na sa 5th,11-6. tungo sa kumbinsidong panalo ng NU para sa 1-1 panalo-talo  sa ligang inorganisa nina LBP Chairman Amando ‘Wopsy Zamora,President Jose ‘Pepe Muñoz at Executive Director Rodolfo ‘Boy Tingzon.


“Game maturity is crucial for winning in this league because we’re up against veterans and current national team members. We need to play smart in every game to keep winning,” wika ni coach Landicho .
Nauna dito ay tinigpas ng KBA Stars ang Samurai,14-4 upang pumasok na rin sa win column sa  kanilang 1-1 kartada. (DANNY SIMON)